Inaamin ko guilty din ako dahil dati nung nasa Pilipinas ako may ilang tao akong jinudge dahil feeling ko nagbabago sila dahil nasa ibang bansa sila. Ganon yata talaga yung pakiramdam kapag nasa Pilipinas ka at hindi nakikita lahat ng hirap sa ibang bansa. Kapag nakikita mo lang yung masasayang tweets and wall posts ng taong malayo sa Pilipinas na pilit na inaaliw ang sarili kahit sa simple pagkain lang ng boy bawang, polvoron and chicharon.
Hindi alam ng mga tao sa Pilipinas kung pano nagkakanda pilipit pilipit ang dila namin sapagsasalita ng language na sobrang layo sa ginagamit ng mga pinoy. Hindi nila alam yung pakiramdam ng nasisigawan ng mga taong parang hindi ka kayang igalang dahil Pilipino ka or dahil alam nilang mas mababa ka kesa sa kanila. Hindi nila alam kung ganon kahirap maglaba at mamalantsa pagkagaling sa tabaho para may maisuot kinabukasan habang nagluluto ng pagkain. Wala silang clue kung gaano kahirap yung gusto mong pasayahin yung sarili mo pero iniisip mo na kesa ibili mo ng pansarili mong gamit yung sweldo mo, ipapadala mo na lang para kahit papano matuwa naman sila sayo. Yung kahit tipirin mo na yung pasko mo basta makapagbigay ka lang ng pang pasko nila.
Mahirap manumbat dahil wala naman akong tinutulong. Nagbibigay lang ako kung kelan ko gusto. Iniipon ko kasi yung pera ko. Kasi alam ko pag-uwi ko may mga maniningil sa akin ng mga utang na hindi ko na alam kung bat lumaki ng ganon. Ayoko lang na pag-uwi ko may marinig ako na gaking ako sa abroad pero wala akong pera. Which I will probably hear anyways. Kasi nga wala namang matitira sa akin. Hindi ko pa sinusweldo may ponaglalaanan na agad. Wala na agad sa kamay ko.
Sabi ko ayoko na dito. Sabi ko pag-uwi ko hahanap ako ng mas magandang lugar. Na stepping stone ko lang to. Pero bat ganon? Pagdating ko sa Pilipinas feeling ko back to zero ako. Ipangbabayad ko lang sa utang lahat ng pera kong maiipon tapos hindi ko manlang matutulungan yung sarili kong magsimula.
Ang sama ng loob ko. Pero wala naman akong magagawa. Ganon eh. Ginawa ko lang to, para lang alam mo. Para lang maalala mo. Para naman hindi ko lang to kinikimkim dito.
No comments:
Post a Comment