Alam mo yung mga araw na hindi mo alam yung nararamdaman mo, basta alam mo lang may mali? Today is one of those days. I don't know kung arte ko lang ba to o sadyang nag-meeting lang talaga lahat ng hormones ko kaya sandamakmak na emosyon yung nararamdaman ko.
Hindi ako galit. Lahat na, lungkot, panghihinayang, saya, paghahanap ng kung ano, at kung ano ano pa nararamdaman ko pero yung galit wala. Kailangan maging malinaw ako don. Walang galit. Inis siguro pwede pa.. LOLJOKE.
Kanina iniisip ko, hanggang kelan ko pa kaya to mararamdaman? Kelan kaya ako makakatakas sa emosyong to.. Minsan kasi nakakapagod na din. Lagi na lang kaming naghahabulan, lagi din naman nya kong naaabutan, lagi din na ako yung umiiyak sa huli.
Naalala ko nung bata pa ko, nung sinimulan kong mag-bike minus the training wheels, bonggang bonggang sumemplang ako non. Dive kung dive sa mabatong kalsada. Matagal na yon.. Hindi ko na maalala kung gaano ako katagal umiyak dahil sa sakit o kung sino/ano ang nagpatahan sa akin. Ang naaalala ko lang.. masakit yung nangyari. May dugo, may sugat. Ngayon, wala na yung sakit, pero yung nangyari hindi ko pa din makalimutan. Yung peklat ko sa tuhod galing sa nangyari na yon, nandito pa din sa tuhod ko. Hindi na ata mabubura. KAHITKELAN.
Ganon talaga siguro sa lahat ng sugat. Lalo na yung mga sugat na wala namang physical projection. Yun yung mas malalalim kasi hindi mo pwedeng lagyan ng band aid, walang alcohol, walang bulak. Dugo lang ng dugo hanggang sa matuyo.
Naaalala ko pa yung sabi sakin ni Kaycee sa letter nya about a year ago.. Sabi nya ang tapang ko daw, kasi ilang beses na daw nya kong nakitang sumugal. Ilang beses na kong natalo pero hindi pa din ako nawawalan ng faith na isang araw makaka-chamba din ako. Siguro nga nakailan na ko.. Malulungkot kaya si Kayce kung sasabihin ko na wala na kong ganang subukan? Para inspiration nya ata ako tas bigla na kong aayaw.. Ang labo ko namang idol.. Pero bakit? Hindi naman nya malalaman ah. Bahala na nga.
Sa ngayon hindi ko talaga alam. Sa lahat naman ng nangyayari sa buhay ng tao kahit maliit or malaki may epekto sayo eh. Kung magiging duwag man ako dahil sa lahat ng pinagdaanan ko, so be it. Okay lang. Ang importante alam ko na wala akong sinasaktang tao. Hihintayin ko na lang yung araw na may isang tao na magpapakita sakin na kaya ko pa kahit isang try pa ulit. Sana. Sana kaya ko pang maghintay.
No comments:
Post a Comment