Sunday, July 31, 2011

Dapat Laging Handa



This is the second part of my kabaliwan over this Kenyan patient na crush na crush ko mula ulo hanggang paa.

So last Saturday, I was expecting him to come back for the Echocardiography Report and the result of his mother's TSH,T4 and T3 laboratory investigation. I wore my "lucky" headband, put on the most red lipstick with matching eyeshadow pa. I may have overdo it nga eh pero kebs, todo na to! Hahaha. Ayun lumipas ang umaga hulas na ang make-up ko wala pa din sya. Actually halos walang dumating na pasyente. Lungkot na lungkot ako kasi handang-handa pa naman ako. Alam mo na, nage-expect akong kukunin nya yung number ko. Hahaha. *feeling*

Evening came and I did the same. Make-up, plastered smile and headband. Naramdaman ko na na parang di na talaga sya dadating pero umasa pa din ako. Feeling ko kasi gusto nya talagang malaman yung sakit nya and concerned din sya sa nanay nya. Pero ayun. Bigo. Hindi dumating.

Kanina, ilang oras after ng simula ng duty ko dumating sya. Habang busyng-busy ako sa TMT room hindi ko alam na pinag-antay na naman pala sya ng magaling kong doctor. "stane bara fi marrid" sabi ni Baba. Sa isip-isip ko, fi marrid ka dyan eh chillax ka lang naman ako yung nandito. Anyway ayun edi natapos na yung TMT, ngarag ako. Paglabas ko nakita ko sa table yung laboratory report ng nanay ng crush ko. Nahulog yung puso ko. LOL. Syempre hindi ko na napigilan yung sarili ko.. I opened the door and pretended na busy ako since wala si doc, nasa TMT room pa. Tas ayun, nag-emerge sya kagaya ng inaasahan ko.. Ayiiiiiiiiiiiiiiiii. Sabi nya "sister I gave the lab report to doctor". Pinigilan ko talagang kiligin pero ampogi pogi nya sa suot nyang red shirt and rugged jeans. IIIIIIIIIIIIIIIIIiihhhhhhhhh. Tapos ang ganda ganda ng buhok nyang kulot-kulot. Hahaha. Play it cool naman ako sabi ko "Okay just sit there and he'll come and talk to you (can I have your number?)" Hindi ko sinabi yung nasa loob ng parenthesis, sa isip ko lang yun. Hehe. Tas nagtanong tanong pa sya. Medyo natarayan ko ata. Kasi naman no!Kung kelan ako oily tsaka sya dadating. Leche. Ayun. Ganon lang. Umalis na sya. Umalis na sya and posibleng di na kami magkita poreber.

Naisip ko lang yung sinabi sakin dati nung friend kong si Uge, "Dapat lagi akong maganda kasi hindi ko alam kung kelan sya dadating. Kailangan handa ako para pagnanadyan na sya, walang masayang na panahon." May point si bakla. Simula ngayon, magiging handa na ko. Hindi dahil desperado ako or anything pero dahil kailangan. Kailangan hindi ko masayang yung oras kagaya ng mga oras na sinayang kong sa past. Kailangan lagi akong handa..

No comments:

Post a Comment