Tuesday, July 12, 2011

Ate Chons and Ate Timmy


Naaalala ko pa nung unang dating ko dito. May dalawang babae na pumasok sa kwarto ko habang nag-aayos ako ng mga gamit. Kinakamusta ako, yung Pinas nagtatanong ng kung ano-ano. Si Timay and Chona.

Nasa same floor kami so almost every night nagkakasalubong kami sa hallway plus kasama ko pa sa common bathroom si Ate Timay kaya medyo kilala ko sila. Nagbibiruan, nag-aasaran tas minsan tamang ngitian lang.

Ngayong araw na to, naka-two years na sila dito kaya umuwi na sila sa Pilipinas.. Nakakainggit. Ano kayang feeling?

Nung mga nakaraang araw parang wala lang. Nag-eempake si Ate Timay, minsan naririnig ko pa yung sound ng paghila nya sa packing tape na gamit nya kasi katabi ko lang sya ng room. Araw-araw tinatanong ko si Ate Chona kung ready na syang ma-meet ulit yung ex nya na pinagpalit sya one year ata after nyang umalis.. Tapos kanina, umalis na talaga sila. Ang bilis.

Hindi ko naman talaga sila barkada. Hindi ko nga sila ganon kakilala eh. Pero kanina naiyak ako nung umiiyak na si Ate Timay. Ewan ko. Gusto ko kasi silang dalawa eh. Basta. Naalala ko one time nagsumbong pa ko kay Ate Chona. Nakakaiyak pa din everytime maaalala ko silang paalis until now. Siguro dahil naiinggit din ako kasi uuwi na sila tas ako taon pa binibilang ko or talagang na-attach ako sa kanila kahit na dapat hindi naman.

Natutuwa ako dahil natapos na nila yung responsibility nila sa ospital, well technically hindi pa pala pero basta. Quits quits na pagnakadalawang taon na. Sana makakita sila ng better na lugar para sa kanila. Alam ko magiging masaya sila sa pagkain ng baboy sa Pilipinas pero alam ko na kasabay ng pag-eenjoy na gagawin nila, nandyan din yung mga bagong/lumang bagay na kailangan na nilang harapin. Yung mga naiwan/tinakasan nilang bagay sa Pilipinas.. kailangan na nilang i-face. Sana nagkaron sila ng enough time para mag-isip dito.

Excited na ko sa mga gagawin nila sa Philippines at sa mga pagkaing ipinangako nilang ita-tag sakin para maasar ako. Gusto ko nang makita na naglalagay sila ng status sa Facebook na lilipat na sila ng Canada or Europe or whatever. Excited na ko.

Ang bilis bilis ng araw. Ang bilis halos hindi ko mahabol. Susunod nyan magigising ako na pauwi na din ako. Ready or not uuwi ako. Promise ko yan sa sarili ko. Tama ng pagtatago sa lahat ng bagay yung 2 years. Tama ng pag-pause ng buhay yung dalawang taon. Babalik ako ng Pilipinas in two years, kailangan magawa ko yun. May ipon man o wala. May babalikan man o wala na. Babalik ako.. Pareho nila Ate Timmy and Chons.


No comments:

Post a Comment